^
Duterte: Bakuna ko ibigay na lang sa iba
Ikinatuwiran ng Pa­ngulo na matanda na siya at wala na sa isip pa niya na makuha ang ano pa mang pangarap.
Presidential Photo/Simeon Celi, Jr.

Duterte: Bakuna ko ibigay na lang sa iba

Malou Escudero (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa umano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ibigay sa iba ang kanyang slot para sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ikinatuwiran ng Pa­ngulo na matanda na siya at wala na sa isip pa niya na makuha ang ano pa mang pangarap.

Taliwas naman ito sa mga una na niyang inihayag noon na handa siyang unang mabakunahan at mapag-eksperimentuhan ng bakuna kontra COVID-19.

Subalit sa kalaunan ay binawi rin niya ito at sinabi naman niyang kung babakunahan siya ay sa huli na lang ng pila.

“Ako magwe-waive ako, magwe-waive ako, kasi 70 and above . . . Sa 70 and above ano ang makuha mo na dream, dream of what? Living until kingdom come? Ako mag-waive ako, kung sino gusto sa slot ko ibigay ko… if anyone wants to have it, they can have it,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People nitong Lunes ng gabi.

Mas makabubuti aniyang ibigay na lang niya ang bakuna sa taong marami pang magagawa para sa bayan.

“Ang unahin natin iyong mabubuhay pa. Come to think of it, ang unahin natin iyong medyo ‘pag nabigyan ng vaccine there is a chance that he would live, and live productively . . . Wala kami masyado maibigay sa ating bayan, sa edad namin,” dagdag ni Duterte.

COVID-19 VACCINE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with