^
194K doses ng Moderna vaccine, darating sa Mayo
Ito ang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., at mayroon ng kasunduan ang gobyerno at World Bank para sa pagbabayad nang bibilhing bakuna.
AFP/Joel Saget

194K doses ng Moderna vaccine, darating sa Mayo

Malou Escudero (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang dumating sa buwan ng Mayo ang nasa 194,000 doses ng bakuna na gawa ng Moderna.

Ito ang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., at mayroon ng kasunduan ang gobyerno at World Bank para sa pagbabayad nang bibilhing bakuna.

Nasa 13 milyong doses ng Moderna vaccine ang ang inorder ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Anya, tiniyak sa kanila ng pribadong sektor na susunod ito sa prio­ritization sa pagbibigay ng bakuna base sa inilatag ng National Immunization Technical Advisory Group.

Inihayag naman ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na mag-aaplay ang Moderna para sa emergency use authorization ngayong week.

Una nang nabig­yan ng FDA  ng EUA ang Pfizer, AstraZe­neca, Sinovac, at Gamaleya Institute.

CARLITO GALVEZ JR MODERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with