^

Duterte: Pagkawala ng 2 linggo, sinadya ko!

Malou Escudero (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganun ako e. Pagka-kinakalkal mo ako, lalo akong.. parang bata. ‘Pag lalo mo akong kinakantyawan, lalo akong gagana.”

Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address, nitong Lunes ng gabi.

“Sinabi ko.. my residence is the City of Davao and if I want to go home ther on reasonable basis, I can because that is my home,” diin ng Pangulo at dagdag pa nito, “Tutal ang pamasahe ko hindi naman sa gobyerno so I can go home just to be there and come back the following day.”

Kasunod ng two-week absence, kumalat din ang mga ispekulasyon ukol sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Patutsada ng Pa­ngulo, “If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that.”

Matatandaang ang huling public appea­rance ng Pangulo ay noon pang March 29 kung saan personal nitong sinalubong ang pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with