_pang-masa
^

Chinese envoy, pagpapaliwanagin ng DFA sa presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef

Gemma Garcia (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatawag ng Department of Foreign Affairs(DFA) si Chinese Ambassador Huang Xi­lian upang magpaliwanag kaugnay sa presensya ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Iginiit ni DFA Acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso na ang nasabing bahura ay sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Dagdag nito ang patuloy na presensya ng mga barko nito sa West Philippine Sea ang nagdudulot ng tensyon sa rehiyon.

Punto pa ni Buensuceso na nakuha ng bansa ang South China sea arbitration noong 2016.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang Chinese Embassy sa maaayos na paggalang sa mga Filipino bilang panauhin ng bansa.

Ito ay matapos ang tugon ng embahada kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagi­ging “unprofessional.”

Muling iginiit ng DFA na dapat nang lisanin ng mga barko ng China ang mga karagatan ng bansa.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with