^

Erap, negatibo na sa COVID-19

Mer Layson (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Negatibo na mula sa COVID-19 si dating Pa­ngulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ito ang masayang ibinalita ni dating Senador Jinggoy Estrada sa kanyang Facebook post at patuloy na humuhusay ang kalagayan ng ama.

Inaasahan aniya nilang sa mga susunod na araw ay maililipat na ito sa isang regular na silid.

Sa ngayon naman ay nananatili sa intensive care unit (ICU) at nasa high flow oxygen support pa rin ang ama ngunit sa much reduced rate’ na.

Muli pinasalamatan ni Jinggoy ang lahat ng taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanila at humiling na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa tuluy-tuloy nang paggaling ng ama at ng iba pang taong dinapuan ng COVID-19.

JOSEPH ‘ERAP’ ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with