^

Police Metro

Galing Mexico… FDA nagbabala sa pekeng COVID-19 vaccine

Ludy Bermudo - Pang-masa
Galing Mexico� FDA nagbabala sa pekeng COVID-19 vaccine
Sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na ‘falsified’ ng World Health Organization (WHO) kamakailan matapos matuklasang mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Nagbabala at inalerto ng Food and Drug Administration(FDA)Philippines ang publiko at medical health professionaLs laban sa isang uri ng ‘falsified’ na bakuna laban sa coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) na natukoy na ginagamit sa Mexico na posibleng ilegal na makapasok sa bansa.

Sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na ‘falsified’ ng World Health Organization (WHO) kamakailan matapos matuklasang mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.

Nakalagay sa label na COVID-19 Vaccine BNT16b2 na may expiration date na Aug. 24 (walang year kung kailang mae-expire); manufacturer na Pfizer BIONTECH; at packa­ging language sa English.

Kamakailan lang kinumpirma ng WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at falsified din ang batch at expiry date ng nasabing bakuna na nadetect na itinuturok sa Mexico na hindi sakop ng authorized vaccination programs.

Ayon pa sa FDA, ang authentic COVID-19 vaccine BNT12b2 ay bakuna laban sa COVID-19 sa mga indibiduwal na may edad 16 pataas.

vuukle comment

COVID-19

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with