^
Mga magbubulsa ng ayuda kakasuhan sa Ombudsman
Una nang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na P1,000 bawat tao o P4,000 kada isang pamilya ang matatanggap na ayuda, subalit may mga lugar na P1K lang ang inaabot sa isang pamilya.
The STAR/Miguel de Guzman, file

Mga magbubulsa ng ayuda kakasuhan sa Ombudsman

Doris Franche (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Iniipon namin ang mga reklamo ngayon at kapag natapos itong ECQ (enhanced community quarantine) ay maaaring magpapatawag kami ng imbestigasyon at kapag napatunayan na binubulsa nila yung pera, kakasuhan namin sila sa Ombudsman”.

Ito ang naging banta ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, matapos na marami ang nagte-text at tumatawag sa opisina hinggil sa kulang umano ang ibinibigay na ayuda sa kanila.

Una nang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na P1,000 bawat tao o P4,000 kada isang pamilya ang matatanggap na ayuda, subalit may mga lugar na P1K lang ang inaabot sa isang pamilya.

“Isang halimbawa ‘yung ale na nagsumbong sa “Tutok Erwin Tulfo” radio program from Bagong Barrio, Caloocan. P1,000 lang ang ibinigay sa kanya kahit pa dalawa ang kanyang anak na alam naman ng barangay”, pahayag ni Yap.

Kaya’t minomonitor nila ang bigayan ng ayuda ng mga local government units (LGUs) para sa mga apektado ng NCR bubble plus lockdown.

AYUDA ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with