^
Pamamahagi ng ayuda, puwedeng palawigin â DILG
Ayon kay Interior Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, nau­unawaan ng DILG na may ilang LGUs ang nahihirapang makaabot sa 15-day deadline sa assistance distribution dahil na rin sa laki ng kanilang populasyon. Inihalimbawa niya ang Quezon City na ang laki ay halos 30% ng buong Metro Manila.
the STAR/Boy Santos, file

Pamamahagi ng ayuda, puwedeng palawigin — DILG

Mer Layson (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

Matapos ang 15-araw na deadline

MANILA, Philippines — Payag ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palawigin ang 15-day deadline ng mga local government units (LGUs) upang tapusin ang pamamahagi ng ayuda para sa mga residenteng apektado ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na umiiral sa NCR Plus.

Ayon kay Interior Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, nau­unawaan ng DILG na may ilang LGUs ang nahihirapang makaabot sa 15-day deadline sa assistance distribution dahil na rin sa laki ng kanilang populasyon. Inihalimbawa niya ang Quezon City na ang laki ay halos 30% ng buong Metro Manila.

Sinabi ni Malaya na maaaring maghain ng request for extension ang isang LGU sa DILG at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit depende aniya sa sitwas­yon at rason ng mga ito kung papayagan sila o hindi.

Nauna rito, may mga ulat na inaabot ng gabi ang pamamahagi ng ayuda sa ilang lungsod kahit pa umiiral ang ECQ at may curfew na mula 6:00PM hanggang 5:00AM.

Dahil na rin sa crowding ng mga kumukuha ng ayuda ay nakakalimot na ang mga tao na obserbahan ang social distancing na pinanga­ngambahang magdulot ng hawahan ng COVID-19.

Nasa P22.9 bilyong pondo ang inilaang ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, na apektado ng ECQ na ipinaiiral mula Marso 19-Abril 11.

Ang bawat kuwalipikadong indibiduwal ay inaasahang makatatanggap ng P1,000 cash o maximum na P4,000 kada pamilya.

DILG ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with