^
Duterte mag-uulat sa bayan sa lunes â Roque
Ginawa ni Roque ang kumpirmasyon sa gitna ng paghahanap ng mga netizens sa Pangulo kung saan nag-trending pa ang #NasaanAngPangulo.
Facebook/PCOO

Duterte mag-uulat sa bayan sa lunes — Roque

Malou Escudero (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na ‘di paglutang, kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson na magkakaroon ng Ulat sa Bayan sa Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Roque ang kumpirmasyon sa gitna ng paghahanap ng mga netizens sa Pangulo kung saan nag-trending pa ang #NasaanAngPangulo.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Roque na napaulat din kahapon na na-confined sa Philippine General Hospital dahil sa COVID-19 pero hindi nagbigay ng kumpirmasyon.

Samantala, inilutang naman ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga kuhang larawan kay Duterte sa gitna ng mga kritisismo dahil sa hindi pagpapakita ng Pangulo sa publiko.

“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal,” sabi ni Go sa kanyang post sa FB post.

Isang maikling video rin ang ipinakita ni Go kung saan nagjo-jogging si Duterte.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with