^
ECQ giit I-extend ng 1-linggo
Ayon kay Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., posibleng hindi pa sapat ang dala­wang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para matuldukan ang COVID-19 surge sa NCR plus.
The STAR/Miguel de Guzman, file

ECQ giit I-extend ng 1-linggo

Mer Layson (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matuldukan ang pagkalat ng COVID-19, pabor ang Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na mapalawig pa ng isang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ayon kay Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., posibleng hindi pa sapat ang dala­wang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para matuldukan ang COVID-19 surge sa NCR plus.

Gayunman, ang Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 response aniya ang magdedesisyon hinggil dito.

“Almost 2 weeks na tayo pero ‘di pa natin ganap na nararamdaman ‘yung epekto nito (ECQ) so pro­bably another week will be enough,” ani Florece sa isang panayam. 

Aniya, magpupulong ang IATF nitong Sabado upang talakayin ang magiging sunod na lockdown status­ sa NCR plus.

Matatandaang ang ECQ sa NCR Plus areas ay sinimulang ipatupad noong Marso 29 at nakatakdang magtapos ngayong araw,  Abril 11.

DILG ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with