^

50K COVID-19 tests araw-araw, isagawa na — PRC

Mer Layson (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang tuluyang ma­tuldukan ang “surge” ng COVID-19, iminungkahi ng isang opisyal ng Philippine Red Cross (PRC) sa pamahalaan ang pagsasagawa na ng 50,000 COVID tests araw-araw.

Ayon kay dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, na siyang head ng PRC-Biomolecular Laboratories, hindi sapat ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Ubial na upang mas maging ma­tagumpay ang pagpapa­tupad ng ECQ ay dapat sabayan ito ng testing, isolation, at contact tra­cing. Ang testing capacity aniya ng pamahalaan sa ngayon ay kulang na kulang sa ideyal na numero ng COVID-19 tests kada araw.

“Ang number one na pagkukulang natin since the start ang sinasabi namin eh ‘yung testing. Napakababa, 37,000 per day pa rin. Eh ang goal natin noon is 50,000 per day hanggang ngayon ‘di natin naa-attain ‘yung 50,000 per day,” ani Ubial sa isang panayam.

Sinabi rin noon ni testing­ czar Vince Dizon na pi­nag-aaralan ng pamahalaan na itaas ang testing capacity ng 80,000-90,000 tests kada araw, gamit ang antigen test kits na sertipikado ng World Health Organization (WHO) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM), kasama ang RT-PCR test.

Gayunman, iginiit ni Ubial na hindi isinusulong ng Philippine Society of Public Health Physicians ang paggamit ng antigen o rapid antibody test kits upang i-detect ang mga pasyente ng COVID-19 dahil maaari itong magdulot ng “false negative” results.

Una na ring sinabi ng Department of Health (DOH) na ang RT-PCR test ang nananatiling gold standard para sa COVID-19 testing.

COVID-19 PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with