^

Police Metro

Mga ospital ramdam pa rin ang COVID-19 surge

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mga ospital ramdam pa rin ang COVID-19 surge
Aniya, ang occupancy ng mga kama ay 230 mula sa 250 COVID-19 beds o 90 okupado na.
The STAR/Edd Gumban, file

Ibang pasyente ‘di na maasikaso…

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ng enhanced community quarantine sa NCR plus ay ramdam pa rin ng mga ospital ang COVID-19 surge.

Isa dito ang Philippine General Hospital (PGH) na nagsabi na hindi na nila maasikaso ang mga pasyenteng may malalang kaso  na ini-refer ng ibang ospital dahil puno na ang kanilang ICU.

“Nadadama pa rin namin yung surge kung tawagin, puno pa rin po ang aming ICU at marami po kaming mga pasyenteng severe, ang iba po critical naghihintay po ng kama, yung iba po nasa emergency room”,pahayag ni Philippine General Hospital (PGH) spokesperson Dr.Jonas del Rosario.

Aniya, ang occupancy ng mga kama ay 230 mula sa 250 COVID-19 beds o 90 okupado na.

Hindi rin aniya, puwedeng magdagdag pa ng mga kama na may ICU setting dahil kailangang may mga espesyalistang doktor at nurses na kailangan tututok.

Isinara na rin, ang dalawang non-COVID wards at hindi na tatanggapo pa ng non-COVID patients maliban na lang kung agaw-buhay at yung manganganak na o imminent deliveries.

Umapela din ang PGH sa iba pang ospital na mag-admit ng mga non-COVID patients upang tumutok na lang sila sa COVID-19 patients.

Maging sa publiko ay umapela sila na bago magtungo sa emergency room ng PGH ay komontak muna sa hotline number 155-200 upang ma-asses kung kailangan silang dumiretso sa ospital o bigyan ng iba pang payo para sa tamang gawin dahil kung halos lahat ay susugod sa ER, dadagsa at lalong mahihirapan ang mga pasyente sa paghihintay na posibleng mahawaan pa ng mas malalang sakit.

vuukle comment

COVID-19

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with