^
Pier gagawing modular COVID-19 isolation wards ang malalaking quarantine facility
Ang bagong gawa na modular hospital sa loob ng Quezon Institute compound sa Quezon City,dahil ang 110 bed facility dito ay puno ng COVID-19 pa-tients.
Miguel de Guzman

Pier gagawing modular COVID-19 isolation wards ang malalaking quarantine facility

Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang kakulangan ng hospital bed sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 ay ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na gawin nang isolation facility ang mga qua­rantine facilities sa Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 sa Maynila at Port of Capinpin sa Orion, Bataan.

Sa pulong na isinagawa ng Task Group on Isolation and Quarantine na dinaluhan ni NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon at iba pang ahensya, napagkasunduan na ang Department of Health ang magbibigay ng manpower at equipment para rito.

Simula kahapon ay aarangkada na ang ope­rasyon ng dalawang modular Covid-19 isolation wards na may kabuuang 335-bed capacity.

Sinabi ni Tugade, kahit hindi na saklaw ng kanilang mandato ang mahalaga ay makatutulong sa mamamayan ngayong panahon ng medical emergency.

ARTHUR TUGADE COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with