^

Police Metro

Frontliners pinapurihan ni PRRD sa Araw ng Kagitingan

Malou Escudero - Pang-masa
Frontliners pinapurihan ni PRRD sa Araw ng Kagitingan
Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang ginagawa ngayon ng frontliners ay repleksiyon ng kabayanihang ipinamalas ng mga mandirigma noon sa Bataan.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Binigyang-pugay at kinilala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang frontliners sa paggunita kahapon ng Araw ng Kagitingan.

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang ginagawa ngayon ng frontliners ay repleksiyon ng kabayanihang ipinamalas ng mga mandirigma noon sa Bataan.

Aniya, marapat lang na kilalanin ang lakas ng loob at dedikasyon ng frontli­ners na walang pagod na humaharap sa mga hamon at peligro ng pandemya.

Kasabay nitoy kinilala rin ng Commander in Chief ang sakripisyo ng mga sundalo na naki­paglaban para sa kalayaan ng bayan.

Ang araw na ito ayon sa Pangulo ay isang paalala aniya tungkol sa determinasyon ng mga Pinoy na kahit anong pagdaanang pagsubok ay tiyak ding malalampasan nating mga Pilipino.

vuukle comment

ARAW NG KAGITINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with