^
Paggamit ng ospital sa Ivermectin aprub sa FDA
Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19.
DOH Facebook Photo

Paggamit ng ospital sa Ivermectin aprub sa FDA

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.

Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19.

“May isang ospital na nag-apply for compassio­nate use at na-grant na nga ng araw na ito,” ayon kay Domingo.

Gayunman, nilinaw ni Domingo na ang nasabing “compassionate use” permit sa paggamit ng Ivermectin ay naiiba mula sa nakabinbing aplikasyon ng dalawang local na manufacturers na humihingi ng certificate of product registration para sa Ivermectin.

Hindi naman binanggit ni Domingo ang pangalan ng ospital bilang paggalang sa “patient privacy.”

Una nang sinabi na ang gamot na Ivermectin ay pinahihintulutan lang na gamitin para sa hayop at hindi pinapayagan para panggamot sa tao lalo na para sa panlaban sa COVID-19.

Nilinaw ni Domingo na hindi naman otomatikong maaari na ring gawin ito ng iba pang pagamutan bagkus ay kailangan pang mag-aplay din ng hiwalay na compassionate use permit sa FDA.

Ang mga grupo naman na nais magdistri­bute o magpamahagi ng malaking bilang ng gamot ay maa­ring ma-aplay sa ilalim ng isang permit.

FDA IVERMECTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with