^
âTalk to the peopleâ ni Duterte, kinansela na
Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, at gusto lang ng Malacañang na makasiguro na hindi makukompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19.
The STAR/File

‘Talk to the people’ ni Duterte, kinansela na

Gemma Garcia (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

Maraming PSG,nagpositibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ang “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa maraming miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, at gusto lang ng Malacañang na makasiguro na hindi makukompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19.

Hindi naman matiyak ng Senador kung ilan ang numero ng PSG na nagpositibo at siniguro na ang mga nagpositibong PSG ay walang direktang kontak sa pangulo, su­balit gusto nilang matiyak na hindi mae-expose si Duterte sa sinumang tauhan ng PSG.

Kaya mananatili muna ito sa kanilang tahanan sa Palasyo ng Malacañang at mabibigyan din ng pagkakataon ang pangulo na magpahinga kaya sa susunod na linggo na lamang ang regular na “Talk to the People” nito.

Karaniwang ginagawa ng Pangulo ang ‘Talk to the People’ tuwing Lunes.

Pero noong nakaraang Lunes, ay inurong ito at  kahapon ay hindi rin natuloy.

Huling nagsagawa ng Talk to the People si Pangulong Duterte noong Marso 29 matapos ang pagsalubong niya sa isang milyong Sinovac doses na donasyon ng China sa Pilipinas.

Idinagdag ni Go, nanatili sila sa Maynila at hindi muna uuwi sa Davao City dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ). - Malou Escudero

COVID-19 PSG RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with