^
VP Robredo, naglunsad ng libreng tele-konsulta service
Inilunsad kahapon ni Robredo ang Bayanihan E-Konsulta Facebook page para makatulong sa mga outpatient cases sa Metro Manila at iba pang karatig lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine lalo na sa mga mahihirap.
Release/Office of the Vice President

VP Robredo, naglunsad ng libreng tele-konsulta service

Mer Layson (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng atensyong medikal sa gitna ng COVID-19 pandemic ay inilunsad ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang libreng teleconsultation service

Inilunsad kahapon ni Robredo ang Bayanihan E-Konsulta Facebook page para makatulong sa mga outpatient cases sa Metro Manila at iba pang karatig lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine lalo na sa mga mahihirap.

Sa ilalim ng proyekto ay maaaring magpalista para sa konsultasyon sa Facebook Messenger, kahit pa gamit ang free data.

“Ito pong ginagawa natin, attempt po ito na kahit paano makatulong tayo maka-decongest ng mga hospitals na iyong mga pasyente, whether COVID or non-COVID, na hindi naman kailangang ma-hospitalize, at least kahit nasa bahay lang sila, mayroon silang medical help na matatanggap,” aniya.

Sa mga pagkakataon namang may emergency cases na kailangan na agarang madala sa ospital, ire-refer sila ng OVP sa One Hospital Command, alinsunod sa kasalukuyang guidelines.

Ang inisiyatibo ay na­ging posible dahil sa tulong ng mga volunteer na doktor, health professionals, at iba pang mga Pilipino na nakiisa na kung saan noong Martes ng gabi ay nakapagtala na ang OVP ng higit sa 2,300 volunteers para sa proyekto.

COVID-19 LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with