^

Police Metro

Grab driver na nangholdap at pumatay ng babaeng pasahero, ban na sa Grab Phils

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Grab Philippines na banned na sa kanilang platform ang isang driver na nasangkot sa panghoholdap at pagpatay sa isang pasahero nito sa Quezon City noong Biyernes Santo.

Sa isang pahayag ng Grab Philippines, nagpahayag din ito ng kalungkutan sa nangyari at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktimang si Carlota Antasuda, 24, ng Pasig City at tiniyak na pagkakalooban nila ang mga ito ng suporta at kaukulang tulong.

Si Antasuda ay matatandaang nagpa-book sa Grab noong Abril 2 ng madaling araw para magpahatid mula sa Brgy. UP Diliman, Quezon City, pauwi sa kaniyang tahanan sa Pasig City ngunit hinoldap umano ito ng Grab driver na si John Lester Alhambra, 24, ng Blk 3, Lot 8, Carissa 4C, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan; at ng kasabwat na si Bryan Kennet Yumol, 24, ng Venus Compound, Sitio Libjo, Brgy. Sto. Mini, Parañaque City.

Hindi pa nasiyahan, pinagsasaksak at pinatay pa ng mga suspek ang biktima at ang bangkay nito ay itinapon sa isang bakanteng lote sa Ocean Park, sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Kaagad namang naaresto ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis at sinampahan ng kasong robbery with homicide.

Tiniyak din naman ng Grab Philippines na makikipagtulungan sila sa mga otoridad hinggil sa gagawin nitong imbestigasyon sa kaso.

Nanindigan din ang Grab Philippines na hindi nila kukunsintihin ang ganitong karahasan at krimen dahil ang kanilang pangunahing prayoridad ay ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Hinikayat pa ng Grab Philippines ang publiko na manatiling vigilante at kaagad na ireport sa kanila ang anumang kahina-hinalang aktibidad na maoobserbahan ng mga ito at tumawag sa kanilang Hotline (02-8883-7117).

vuukle comment

GRAB PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with