_pang-masa
^

P12 milyong gamot sa COVID-19, yosi galing China nasabat

Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 29, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P12 milyong halaga ng mga gamot sa COVID-19 at sigarilyo na galing China ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa dala­wang magkahiwalay na operasyon sa Mandalu­yong City at Parañaque City.

Ayon kay Alvin Enciso, chief ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa MICP na ang unang sto­rage facility sa Mandalu­yong City ay natuklasan­g mayroong nakaimbak na kahun-kahong Chinese cigarettes at mga gamot na Linhua Qingwen Jiaonang, na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ang Linhua Qingwen Jiaonang ay Chinese medicine na ginagamit na panlunas sa COVID-19.

Isang makeshift clinic at dalawang intravenous sets ng mga pasilidad ang nadiskubre at nagpapatunay rin na ang naturang lugar ay ginagamit sa panggagamot ng mga pasyenteng hinihinalang infected ng SARS-CoV-2.

Ang ikalawang sto­rage facility sa Parañaque City ay nadiskubre ang tinatayang nasa P7 mil­yong halaga ng mga Chinese cigarettes, facemasks, face shields, at mga gamot, na kinabibilangan din ng Linhua Qingwen Jiaonang.

Ayon sa BOC, ang naturang mga operasyon ay bahagi ng kanilang pinaigting na pagsusumikap para mabantayang mabuti ang seguridad ng mga boarder ng bansa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakumpiska ang BOC ng mga umano’y gamot sa COVID-19 na ilegal na ipinasok sa bansa dahil nakakumpiska na rin sila ng mga puslit na Linhua Qingwen Jiaonang noong nakaraang taon.

BOC CIGARETTES MEDICINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with