^

Police Metro

ACT-CIS at ‘Tutok Erwin’, mamimigay ng P2 milyong bigas ngayong ECQ

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa P2 milyong pisong halaga ng mga bigas ang ipamamahagi ng ACT-CIS party list at ng “Tutok Erwin Tulfo” program sa mga depressed areas ng Metro Manila at Cavite na isinailalim sa isang linggong lockdown  dahil sa pagsirit ng COVID-19.

“Ito po ang munting tulong namin ni Sir Erwin sa mga kababayan natin na mawawalan na naman ng trabaho for one week at habang inaantay nila ang ayuda ng pamahalaan,” wika ni ACT-CIS Cong. Eric Yap.

“Magpapadala po kami ng bigas sa Caloocan, Taguig, Quezon City, Mandaluyong at sa Silang, Cavite, either through the local government units (LGUs) or sa mga simbahan at sila na po ang bahalang mag-distribute sa kanilang mga constituents o parokyano,” ani Yap.

Pinakiusapan din ni Cong. Yap ang publiko na kung hindi importante ang lakad tulad ng papasok sa trabaho o mamimili ng pagkain ay huwag nang lumabas ng bahay para hindi na makadagdag pa sa problema.

Kilala ang ACT-CIS at ang “Tutok Erwin Tulfo” program sa pagbibigay ng ayuda noong nakaraang taon na apektado ng lockdown at mga nagdaang bagyo sa Catanduanes, Legaspi, Cagayan Valley at ang malaking baha sa Marikina City kamakailan.

BIGAS

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with