_pang-masa
^
Simbahan na âdi susunod sa IATF ipapasara
Ito ang naging babala ni presidential spokesperson Harry Roque, at maaaring gamitin ng gobyerno ang police powers nito para ipasara ang mga simbahan.
Edd Gumban, file

Simbahan na ‘di susunod sa IATF ipapasara

Malou Escudero (Pang-masa) - March 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung hindi susunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di­seases ang mga simbahan ay maaari itong ipasara ng gobyerno.

Ito ang naging babala ni presidential spokesperson Harry Roque, at maaaring gamitin ng gobyerno ang police powers nito para ipasara ang mga simbahan.

Ayon pa kay Roque, hindi sakop ng “separation of church and state” ang hindi pagsunod sa resolusyon ng IATF.

“Ang defiance po ng IATF resolution is not covered by separation of church and state. What is covered is the freedom to believe and the freedom not to endorse a religion. Pero in the exercise of police powers, we can order the churches closed,” ani Roque.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos ipalabas ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, Archbishop ng Maynila ang pastoral instructions na bubuksan ang mga simbahan sa Holy Week o simula Marso 24 kung saan ipatutupad ang 10% capacity.

Umapela si Roque kay Pabillo na huwag sanang dumating ang pagkakataon na ipasara ang mga bubuksang simbahan.

“Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the Church, wala pong paglabag sa separation between church and state if we that because that goes beyond freedom to believe and the prohibition to endorse a religion. That will be an enforcement of police powers po to protect the public good,” ani Roque.

Mananatiling sarado ang mga simbahan sa susunod na dalawang linggo upang mapabagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

CHURCH IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with