_pang-masa
^

Police Metro

PNP reresbak sa mga NPA na pumatay sa 5 pulis sa Camarines Norte

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng limang pulis sa kamay ng mga miyembro ng New People’s Army na umambus sa kanila sa Labo, Camarines Norte.”

Ito ang nais ni PNP officer in charge, Lt. Ge­neral Guillermo Eleazar na nakakagalit ng husto ang ginawang pananam­bang sa mga pulis na inatasan lang na bantayan ang ginagawang Tagkawayan-Labo Road.

Kaya’t nakipag-ugnayan na siya kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana at inatasan na niya sina Calabarzon police director, Brig. Gen. Felipe Natividad at Bicol police director, Brig. Gen. Bartolome Bustamante na buhusan ng puwersa ang pagtugis sa mga rebelde.

Sinabi nito, tumanggi ang contractor ng proyekto na magbigay ng porsiyento sa halaga ng kontrata sa mga rebelde kaya’t napagdiskitahan ang mga pulis.

Base sa paunang ulat, pitong miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company ang pinagbantay sa proyekto sa Barangay Dumagmang bunsod ng hirit ng NPA.

At habang nagpapat­rul­ya ang mga pulis da­kong alas-9:45 ay tinambangan na sila ng mga rebelde na ikinasawi ng limang pulis at pagkasugat ng dalawa pa.

NPA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with