^

Police Metro

VP Leni namahagi ng tulong sa Iloilo

Angie dela Cruz - Pang-masa
VP Leni namahagi ng tulong sa Iloilo
Personal na binisita ni Vice President Leni Robredo ang dalawa sa mga Community Learning Hubs sa bayan ng Tigbauan at Sta. Barbara sa Iloilo.

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic ay personal na binisita ni Vice President Leni Robredo ang dalawa sa mga Community Learning Hubs na sinimulan ng kaniyang opisina sa bayan ng Tigbauan at Sta. Barbara sa Iloilo.

Idiniin ni Robredo ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga CLH para punan ang mga isyu’t kakulangan na hinaharap ng mga estudyante sa distance learning sa gitna ng pandemya.

Bumisita rin si Robredo sa bayan ng San Joaquin, at nakausap ang mga residente ng Brgy. Crossing Dapuyan na nakatanggap ng tulong para sa pagpapatayo ng maayos na palikuran.

Tumungo rin si Robredo sa Oton at Cabatuan para bisitahin ang mga magsasaka na natulungan sa pamamagitan ng Angat Buhay program ng kaniyang Tanggapan.

Bumisita rin si Robredo sa Iloilo City para personal na tingnan ang konstruksyon ng COVID-19 Laboratory ng lungsod at huli ay probinsya sa Mandurriao, Iloilo City, at nakipagpulong  sa mga convenors ng Ahon Laylayan Koalisyon.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with