_pang-masa
^

Pautang para sa tourist workers na walang kolateral, iginiit

Mer Layson (Pang-masa) - March 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang lugmok pa ang turismo sa buong mundo ay hiniling ng Turismo, Isulong Mo Pres. Raissa T. Melivo, na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na makapag-loan sa mga financial institutions na walang kolateral ngayong panahon ng pandemya.

“It would be a big help kung hindi na sila hingan ng collateral kung P5,000 to P20,000 lang naman ang hihiramin nila,” wika ni Melivo.

“Madami kami nakakausap at ito ang pakiusap nila sa pamahalaan, sa Department of Tourism, Department of Trade and Industry at Department of Finance na matulungan sila na maitawid itong pandemic by opening a small business habang wala pa ang mga turista,” dagdag pa nito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mahigit sa apat na milyong Pinoy ang hindi pa naka­kabalik sa trabaho dahil marahil nagsara ang kanilang pinagtatrabahuhan at sa kalkulasyon ng Turismo Isulong Mo, ay mahigit sa 10,000 tourism workers ang hindi pa nakabalik sa kanilang trabaho.

 

TOURIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with