^

Police Metro

Mga bagong ‘mild COVID-19 cases’ i-confine na

Danilo Garcia - Pang-masa
Mga bagong �mild COVID-19 cases� i-confine na
Ang hakbang na ito ay nang mamonitor ang pagtaas ng COVID-19 admissions sa mga ospital sa Metro Manila maging sa Cagayan Valley at Central Visayas.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Upang maiwasang hu­mantong sa “critical level” ang mga pagamutan ngayong pagtaas ng mga bagong kaso ay inirerekomenda ni Department of Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na ipa-confine sa mga “isolation facilities” ang mga bagong “mild cases” ng COVID-19.

Ang hakbang na ito ay nang mamonitor ang pagtaas ng COVID-19 admissions sa mga ospital sa Metro Manila maging sa Cagayan Valley at Central Visayas.

Pero, agad din nilinaw ni Vega na nasa “moderate risk level” pa rin ang kapasidad ng mga pampubliko at pribadong ospital sa naturang mga rehiyon.

Idinagdag pa nito na importante rin na mapa­lakas pa ang “biosurveillance” lalo na sa mga nagbabalik sa mga probinsya makaraan ang pagkakatuklas ng South African, United Kingdom at iba pang mutation variants ng COVID-19 sa bansa.

Kailangan na rin uma­nong magbago ng ugali ng mga Pilipino na hanggang hindi dinadapuan ng sakit ay magpapabaya sa kanilang seguridad.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with