^

Police Metro

Workers sa tourism at food business isunod na bakunahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang advocacy group ang nanawagan sa pamahalaan na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay isunod na bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

“Gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else,” wika ni Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo.

Sinabi pa ni Mayormita na siguradong maeengganyo ang mga turista lalo na mga local tourist na pumunta sa isang pasyalan kung alam nila na hindi sila mahahawa ng mga workers na mayroon nang bakuna.

Nakatakdang magpapadala ng liham ang grupo sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo para iparating ang kanilang kahilingan. Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mga tao ang mga tourist destinations sa bansa lalo’t papalapit na ang summer.

Ang grupong turismo ay kinabibilangan ng libu-libong mga manggagawa mula sa tourism industry, mula sa tourist guides hanggang sa mga bankero at mga masahista.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with