^

Police Metro

38,400 doses pa ng AstraZeneca darating ngayon

Malou Escudero - Pang-masa
38,400 doses pa ng AstraZeneca darating ngayon
Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Mandaluyong City sa pangunguna ni City Mayor Menchie Abalos kasama si MMDA Chairman Benhur Abalos.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 38,400 pang doses ng bakuna ng AstraZeneca ang kinumpirma darating ngayong araw na ito.

Ito ang inihayag kahapon ni vaccine czar Carlito Galvez na sinabing ito ay bahagi ng 525,600 doses na ibinigay ng COVAX facility sa Pilipinas,

Nauna nang duma­ting ang 487,200 doses noong Huwebes ng gabi na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Galvez na inaasahang darating ang natitirang 38,400 doses dakong alas-7 mamayang gabi.

“Yung ating inaantay na bakuna from COVAX, at ito’y 487,200 more or less. [Ang original] na darating ay 525,600. I would also like to tell the public, ’yung kulang ay darating po bukas na more or less 7 p.m,” ani Galvez.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa World Health Organization at sa mga bansa na nag-donate ng bakuna para sa Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with