^

Police Metro

Higit 13K health workers naturukan na vs COVID-19

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa loob ng 5 araw na vaccine rollout

MANILA, Philippines — Umabot na sa 13,639 health care workers ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa loob ng limang araw nang magsimula ang first rollout ng bakuna nitong Marso 1.

“As of 6pm kahapon (Biyernes) mayroon na ta­yong 13,639 individuals na nabigyan ng bakuna among our 39 vaccination sites,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado.

Umaasa rin sila na mas tataas pa ang bilang ng mababakunahan na health workers dahil sa pagdating ng AstraZeneca vaccines. Nasa halos 1.8 milyong health care workers ang prayoridad sa pagbabakuna ng pamahalaan. 

Nakapagtala naman ang DOH ng 61 nakaranas ng adverse effects matapos maturukan.

Aminado si Vergeire na may mga ayaw pang magpabakuna subalit may opsiyon naman aniya sila ngayong dumating na ang AstraZeneca.

Gayunman, tiniyak ni Vergeire na hindi aalisin sa top priority ang mga health workers na tumanggi sa alok na bakunahan ng Sinovac.

Bago ito, ilang health workers sa ilang ospital ang umatras na mabakunahan ng Sinovac vaccines dahil sa sinasabing may mas mababang efficacy rate kumpara sa ibang brand tulad ng Pfizer at AstraZeneca.

Sa kabila ito ng iginigiit ng DOH na kayang protektahan ng Sinovac ang mga malalang sintomas ng COVID-19. 

Ibinalita rin ni Vergeire na ang ipinangakong Pfi­zer vaccines na darating sa susunod na dalawang linggo, at ang Sinovac at AstraZeneca na natanggap na ng bansa ay maaring makapagbakuna ng nasa 600,000 health workers. 

Hinihintay pa ang mga karagdagang bakuna para sa next priority list na senior citizens. 

Nabatid na naipamahagi na ang AstraZeneca vaccines sa iba’t-ibang ospital sa Metro Manila.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with