^

Police Metro

12-wheeler truck, nagliyab sa EDSA

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagliyab ang isang 12-wheeler truck  habang bumibiyahe sa southbound lane ng EDSA sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na ligtas naman ang driver ng truck na si Rolly Cabuyag, gayundin ang kanyang kasamang pahinante, na hindi kaagad nakuha ang pangalan.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Quezon City, pasado alas-12:39 ng madaling araw nang respondehan nila ang sunog sa southbound ng EDSA, malapit sa Main Avenue Station ng EDSA busway.

Ayon kay Cabuyag, galing sila ng Montalban at magdadala sana ng graba sa Pasig City nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang umusok at umapoy ang makina.

Aniya, sinubukan pa nilang patayin ang apoy gamit ang fire extinguisher ngunit lumaki na ito at dito na sila napilitang bumaba ng truck kasama ang pahinante upang hindi ma­disgrasya.

“Nag-wild ’yung ma­kina. ’Di na namin napigilan. ’Yung tambutso umapoy. ’Di na nakayanan ng fire extinguisher hanggang sa umapoy ng buo ang ulo [ng truck],” ayon sa driver.

Kaagad rin namang dumating ang mga bumbero at inapula ang nasusunog na trak.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with