^

Pagbubukas ng sinehan, iniliban ng mall operators

Angie dela Cruz (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban kahapon ng mall operators ang pagbubukas ng kanilang mga sinehan kahit pa pina­yagan na ng gobyerno partikular na ang mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Magugunita na nag-isyu ang Department of Trade and Industry ng Memorandum Circular No. 21-08 kung saan pinapayagan ang mga sinehan na mag-operate nang hanggang 25% venue capacity.

Hindi rin pahihintulutan ang pagkain at pag-inom sa loob ng sinehan at dapat ding manatiling suot ang face mask sa lahat ng oras.

Isa na sa nagdesisyong hindi muna magbukas ay ang SM Supermalls.

“SM Cinemas will work closely with the LGUs  on our reopening. We are prepared to open with strict safety standards for all customers. We will follow the LGU’s seat gap and capacity policies, keep face masks and shields on at all times, and deep cleaning done after every screening,” lahad ni Steven Tan, presidente ng SM Supermalls.

Ganoon din ang Ayala Malls habang naghihintay pa ng approval ng LGUs.

 “We will follow DOH-IATF (Department of Health-Inter-Agency Task Force) guidelines and final LGU approval for cinema operations,” panig naman ng Robinsons Malls.

Naghihintay pa rin ang Araneta City ma­nagement ng anunsyo at pagpayag mula sa Quezon City government.

CINEMA MALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with