^
Pangulong Duterte sa mga Pinoy: Magpabakuna kayo!
Dumating kamakalawa ng gabi sa NAIA Terminal ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccine sakay ng KLM aircraft Flight No. 803 mula sa Belgium.

Pangulong Duterte sa mga Pinoy: Magpabakuna kayo!

Malou Escudero (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pinoy na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Ito ang isa sa sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos salubungin ang shipment ng bakuna na gawa ng AstraZeneca.

“On this note, I would like to appeal to all our kababayans: Please get vaccinated against COVID-19 and be the government’s partner in preventing further spread of the disease,” ani Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na ligtas ang mga bakuna at ito ang susi sa pagbubukas ng lipunan.

Muling inulit ng Pa­ngulo na habang hinihintay ang bakuna ay dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health at safety protocols.

Idinagdag ng Pa­ngulo na bagaman at hindi pa nalalampasan ang problema na dala ng COVID-19, mayroon namang progreso at tiyak na malalampasan ang pandemya kung magtutulungan ang lahat.

Pinasalamatan din ni Duterte ang World Health Organization at mga bansa na nag-donate ng 487,200 dozes ng AstraZeneca.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with