^

P160 milyon taklobo nasabat ng PCG

Danilo Garcia (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa  P160 milyong halaga na mga ‘giant clams’ o taklobo sa isang operasyon sa Roxas, Palawan nitong nakaraang Miyerkules.

Sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng PCG ang isang baybayin sa may Barangay VI, Johnson Island katuwang ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas.

May timbang na 80 tonelada ang mga taklobo na kanilang nasabat sa operasyon.

Itinuturing na endangered ang mga taklobo sa bansa na hina-harvest dahil sa taglay nitong mineral.

Ipinagbabawal ang pagkuha ng mga taklobo sa ilalim ng Tepublic Act No. 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998.

Nadiskubre rin ng mga otoridad ang 124 piraso ng mga iligal na pinutol na mga mangrove tree o bakawan sa lugar.

Hindi nabanggit  sa ulat kung may naaresto ang PCG.

PHILIPPINE COAST GUARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with