^

Unang batch ng Moderna vax darating sa Mayo o Hunyo

Malou Escudero (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na darating ang 20 milyong dose ng Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa buwan ng Mayo o Hunyo 2021.

“We’ve already concluded the agreement, ‘yong supply na lang, we’re threshing out the supply kung kailan nila puwedeng i-deliver itong Moderna,” ani Romualdez.

Sinabi ng ambassador na umaasa silang mangyayari ang unang delivery bago matapos ang Mayo o sa mga unang bahagi ng Hunyo.

Halos kalahati ng nasabing bilang ng darating na Moderna vaccine ay mapupunta sa pribadong sektor at kanilang mga empleyado, samantalang ang kalahati ay mapupunta sa mga health workers at mga local government units.

Ang Moderna ay isang American company at nakapaglabas din ng 94% efficacy rate sa human trials.

Bukod sa Moderna, sinabi rin ni Romualdez na naglaan ang American company na Johnson and Johnson na anim na milyon ng kanilang Janssen COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with