^

Duterte pinatitiyak na matatapos sa takdang oras ang mga imprastruktura

Malou Escudero (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin na matatapos kaagad ang mga isinasagawang imprastruktura sa bansa at hindi masyadong naabala ang publiko.

Sa kanyang talum­pati, kamakalawa sa inagurasyon ng mga bagong school buildings sa Bulacan ay sinabi ni Duterte na dapat panatilihin ang mataas na standards ng katapatan at integridad upang maiwasan ang korapsiyon sa mga isinasagawang proyekto ng pamahalaan.

Pinasalamatan din ni Duterte ang Department of Education, Department of Public Works and Highways at local government sa matagumpay na planning at konstruksiyon ng mga bagong school buildings.

Binanggit din ni Du­terte sa kanyang talumpati sa Valen­zuela City ang nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino sa 2022 at aminado siya na malapit na siyang maging “lame duck” president.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with