^

Police Metro

Pfizer vaccines inaasahan sa Abril

Danilo Garcia - Pang-masa
Pfizer vaccines inaasahan sa Abril
“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay Galvez.
AFP/JUSTIN TALLIS

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na inaasa­han na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility sa buwan ng Abril.

“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay Galvez.

Inaasahang nasa 117,000 doses ng Pfizer ang darating na inisyal na suplay sa pamamagitan ng COVAX Facility ng WHO at GAVI alliance na tumitiyak na lahat ng bansa ay mabibigyan ng bakuna. 

Tiniyak naman umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng World Health Organization (WHO) na ma­bibigyan naman ang Pili­pinas ng suplay sa ka­bila ng kakapusan at agawan sa bakuna ng mga bansa sa mundo. Inisyal na naka-iskedyul ang delivery nito noong Pebrero ngunit naantala.

Sa liham ng WHO sa Pangulo, makararating ang mga bakuna basta pipirma ang Pilipinas sa ‘indemnification agreement’.

Nais umano ng mga manufacturer na walang sasagutin, sakaling magkaroon ng seryosong side effects ang isang matuturukan ng kanilang bakuna at sasagutin ng host na bansa.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with