^

Police Metro

Face to face classes posibleng ikonsidera ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Face to face classes posibleng ikonsidera ni Duterte
Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na meeting ng Gabinete noong Miyerkules, dahil nais ng pangulo na magkaroon ng malawakang bakuna bago payagan ang limitadong face-to-face na klase at mas luwagan ang mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine kabilang ang Metro Manila.
The STAR/Walter Bollozos, file

Kapag umabot na sa 2 milyon ang nabakunahan...

MANILA, Philippines — Kapag umabot na sa 2 milyon ang nabakunahan laban sa COVID-19 ay maaaring ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na meeting ng Gabinete noong Miyerkules, dahil nais ng pangulo na magkaroon ng malawakang bakuna bago payagan ang limitadong face-to-face na klase at mas luwagan ang mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine kabilang ang Metro Manila.

Inaasahan namang aabot lang ng 300,000 indibiduwal ang mabibig­yan ng dalawang doses ng bakuna mula sa 600,000 doses na donasyon ng Sinovac Biotech mula sa China.

Matatandaan na dalawang beses nang kinontra ni Duterte ang panukala na magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 at hindi rin pinagbigyan ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa modified general community qua­rantine ang Metro Manila ngayong Marso.

vuukle comment

COVID-19

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with