^

Police Metro

Lady solon walang VIP treatment sa pagpapaturok ng Sinovac

Joy Cantos - Pang-masa
Lady solon walang VIP treatment sa pagpapaturok ng Sinovac
“Hindi po ito totoo (VIP). Una, hindi ako tinurukan ng bakuna dahil ako ay Kongresista o tagapanguna ng Committee on Health ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit pa ako ay isang doktor,” paglilinaw ni Tan.
AFP/Wang Zhao

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni House Committee on Health Chairperson at 4th District Rep. Angelina “Helen” Tan na walang nangyaring VIP treatment sa kanyang pagpapaturok ng Sinovac.

“Hindi po ito totoo (VIP). Una, hindi ako tinurukan ng bakuna dahil ako ay Kongresista o tagapanguna ng Committee on Health ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit pa ako ay isang doktor,” paglilinaw ni Tan.

Si Tan ang kauna-una­hang Kongresista na nabakunahan ng Sinovac COVID -19 vaccine  noong Marso 2 o isang araw matapos dumating sa bansa ang 600,000 doses ng nasabing bakuna  na donasyon ng China sa pamahalaan.

 Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan nagsisilbi bilang surgeon ang panganay na anak na lalaki ni Tan.

“Ako ay nagpaturok dahil sa alokasyon ng bakuna na nakalaan para sa aking panganay na anak na nagtatrabaho bilang doktor sa VMMC.

Bahagi ng programa sa pagbabakuna ng VMMC na bigyan ng bakuna ang tatlo (3) na kapamilya ng mga em­pleyado nito na nais magpabakuna,” paliwanag ni Tan.

Ayon naman kay VMMC Director Dr. Dominador Chiong Jr., isinumite at aprubado ng National Vaccination Committee ang mga binakunahan sa kanilang hospital.

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with