^

Police Metro

Duterte bibisitahin ang mga barangay na malaya na sa NPA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang masiguro na tama ang pagpapatupad ng Barangay Development Program  (BDP) ay bibisitahin ng National Security Council kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay na malaya na mula sa kamay ng New People’s Army (NPA).

Ngayong araw ay magkakaroon ng barangay consultation sa Region 12 at sa mga susunod na Linggo ay sa Region 8 at Region 4A para matiyak na nakakarating sa kanila ang programa ng pamahalaan.

Ayon kay NSC Adviser Hermogenes Esperon Jr., si Pangulong Duterte, bilang chairman ng National Task Force to End Local communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), mismong mangunguna sa pagpapatupad ng BDP upang patunayan na seryoso ang pamahalaan sa pagsupil sa rebeldeng NPA.

Aabot sa 822 barangays sa buong Pilipinas ang makakatanggap ng tig-P20 milyong BDP fund na gagamitin sa mga proyekto gaya ng farm-to-market road, health sanitation; school building; water sanitation at livelihood program.

Ang pondo na ilalabas ngayong taon ay nakasaad sa Local Budget Circular 135 at 135-A na inilabas ng Department of Budget and Management.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with