^

Police Metro

Pagpapadala ng Pinas ng DH sa UAE, pinayagan na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makaraan ang pitong taong negosasyon na nagresulta sa pag-apruba sa bagong ‘labor agreement’ ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) ay muling magpapadala ng mga ‘domestic helpers’ ang bansa.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na mag-uumpisa ang deployment sa Marso 1 kung saan nasa 100,000 ‘household service workers’ na ang naghihintay na makapag-umpisa ng trabaho.
Sinabi naman ni Philippine delegation head Undersecretary Claro Arellano na ang deployment ng mga manggagawa ay sasakupin na ngayon ng ‘Unified Employment Contract (UEC)’ na layong bigyan ng proteksyon ang mga manggagawang Pilipino laban sa mga pang-aabuso.
Sa ilalim ng UEC, ang employer, foreign recruitment agency at ang Philippine recruitment agency ang pawang mga mananagot sakaling may masamang mangyari sa manggagawang Pinoy. 
Kabilang rin sa mga karapatan ng mga domestic workers ang: walong oras na tulog; bayad na isang araw na day-off; hindi ha­hawakan ng employer ang kanilang passport; paggamit ng mobile phones at iba pang communication gadgets; pagbukas ng bank account sa ilalim ng pangalan ng DH para sa kanilang suweldo; at pagpayag na makapagluto ang DH ng sarili nilang pagkain.
Isa pang pagbabago ay ang pagpayag na mai-convert ang hawak na ‘tourist/visit visa’ ng isang mangga­g-wang Pinoy sa ‘working visa’.

vuukle comment

PINAY DOMESTIC HELPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with