Singil sa kuryente posibleng bumaba ngayong Marso
MANILA, Philippines — Posibilidad na magkaroon ng reduction o pagbaba ang Meralco sa kanilang power rates ngayong buwan ng Marso.
Ito’y dahil umano sa mas mababang generation cost at impact ng refund order mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon kay Meralco spokesperson at vice president for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, base sa kanilang inisyal na projections, malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ngayong Marso 2021.
Kung mangyayari aniya ito, ito na ang ikalawang sunod na buwan na bababa ang power rates ngayong taon.
Matatandaang noong Pebrero, tinapyasan ng Meralco ng 7.04 sentimos kada kilowatt-hour (kWh) ang singil nila sa kuryente kaya’t naging P8.6793/kWh na lamang ito, mula sa dating P8.7497 noong Enero.
- Latest