^
Kaso ng South African COVID-19 variant, nakapasok na sa Pinas
Ayon sa anunsyo ng DOH, anim na kaso ng South African variant, na kilala ring B.1.351, ang kanilang na-detect sa isinagawang genome sequencing sa mga sample mula sa COVID-19 patients.
AFP/Ted Aljibe

Kaso ng South African COVID-19 variant, nakapasok na sa Pinas

Danilo Garcia (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang sinasabing mas nakahahawang COVID-19 variant na unang na-detect sa South Africa.

Ayon sa anunsyo ng DOH, anim na kaso ng South African variant, na kilala ring B.1.351, ang kanilang na-detect sa isinagawang genome sequencing sa mga sample mula sa COVID-19 patients.

Tatlong kaso rito ang ikinonsiderang kumalat sa pamamagitan ng local transmission, dalawa mula sa bumalik ng overseas Filipinos, habang bineberipika pa ang isang kaso.

Ang tatlong local case ay naiulat na mga residente ng Pasay, at ang mga sample ay nakolekta noong Enero 27 hanggang Pebrero 13, 2021.

Ang dalawa sa local cases ay 61-anyos na babae at 39-anyos na lalaki. Aktibong kaso pa rin ito na kasalukuyang ginagamot na sa Pasay. Habang ang ikatlong local case ay isang 40-anyos na guma­ling na.

Sa kabilang banda, ang dalawang returning overseas Filipinos ay nagmula naman sa United Arab Emirates at Qatar.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with