^
House Committee on Health chair nagpaturok ng Sinovac
Ang COVID jab ni Tan sa VMMC ay bahagi ng alokasyon ng anak nitong lalaki bilang surgeon sa VMMC sa mga miyembro ng kaniyang pamilya at bilang suporta sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Sinovac, file

House Committee on Health chair nagpaturok ng Sinovac

Joy Cantos (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaturok na kahapon ng unang dose ng COVID-19 vaccine  na gawa ng Sinovac Biotech Li­mited si House Committee on Health Chairperson at 4th District Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan sa  Veterans Memorial Medical Center sa (VMMC)  sa Quezon City.

Ang COVID jab ni Tan sa VMMC ay bahagi ng alokasyon ng anak nitong lalaki bilang surgeon sa VMMC sa mga miyembro ng kaniyang pamilya at  bilang suporta sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

 Dahil sa pagbakuna kay Tan, siya ang unang miyembro ng Kamara na “legal” na naturukan ng COVID-19 vaccine.

“Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya,” pahayag ni Tan na nakangiti pa habang tinatanggap ang Sinovac jab.

Ang pagpapaturok ni Tan ng Sinovac COVID 19 vaccine ay matapos ang pagdinig ng komite nito sa COVID-19 vaccine rollout  sa unang bahagi ng taong ito.

Iginiit ng Kongresista  na pabilisin pa ang COVID 19 inoculation drive para sa ligtas at mabisang bakuna ng sa gayon ay mapataas ang kumpiyansa ng publiko para magtiwala sa vaccination program ng gobyerno.

COVID-19 VACCINE SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with