^
7 senador nanawagan sa pagsisimula ng limitadong face to face classes
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 668, inirerekomenda na ang naturang pilot testing ay magsimula sa mahi­git isang libong (1,065) pampublikong paaralang mapipili ng Department of Education (DepEd) sa risk assessment nito.
Freeman/File

7 senador nanawagan sa pagsisimula ng limitadong face to face classes

Malou Escudero (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong senador ang sumuporta sa isang reso­lusyon na naglalayong magkaroon na ng limi­ted face-to-face classes sa low-risk areas o mga lugar na mababa o halos walang kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 668, inirerekomenda na ang naturang pilot testing ay magsimula sa mahi­git isang libong (1,065) pampublikong paaralang mapipili ng Department of Education (DepEd) sa risk assessment nito.

Ang pitong senador na may akda ng resolusyon ay sina Senators Sherwin Gatchalian, Maria Lourdes Binay, Francis Pangilinan, Grace Poe, Pia Cayetano, Joel Villa­nueva, at Sonny Angara.

Ayon din sa natu­rang resolusyon, ang mga isasagawang pilot test ay dapat maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga health protocols at iba pang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Iginiit pa sa resolus­yon, ang mga pilot test ay makakalikom ng mga ebidensya at karanasan upang magabayan ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

Kasunod ng mga pag-aaral sa ibang bansang ipinapakitang hindi nagmumula sa paaralan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Sa isang pag-aaral ng halos 191 bansa, walang kaugnayang nakita sa pagitan ng kalagayan ng mga paaralan at bilang ng kaso sa komunidad.

CLASSES COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with