^

Galvez atbp opisyal ng gobyerno nagpaturok na

Danilo Garcia (Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pormal na pagsisimula kahapon ng ‘vaccination program’ ng bansa ay ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang nagpaturok ng bakuna sa ‘simultaneous symbolic vaccination’ sa ilang pagamutan sa Metro Manila kahapon.

Kabilang sa mga unang tumanggap ng COVID-19 vaccine ay sina National Task Force for COVID-19 head, Secretary Carlito Galvez, Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa UP-Philippine General Hospital.

Ngunit ang opisyal na unang sumalang sa vaccination sa naturang pagamutan ay si UP-PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na pinamahalaan ni Nurse Chareluck Santos.

Nagpabakuna rin si Dr. Edsel Salvana, Director ng Institute of Molecular Bio­logy and Biotechno­logy ng UP-PGH.

“Si Dr. Legaspi ang nanguna sa atin sa laban na ito kaya karapat-dapat lang na siya ang unang tumanggap ng ating bakuna,” ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario.

Dumalo rin sa programa sina Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, MMDA Chairman Benjamin Abalos, Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo at Manila City Mayor Isko Moreno.

Umabot sa 125 healthworkers buhat sa UP-PGH ang nagpabakuna sa unang araw ng ‘vaccination program’ na higit umano sa inaasahan ng pamunuan ng ospital.

Nagpabakuna rin ng naturang Chinese vaccine si COVID-19 testing czar Vince Dizon sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City.

Ikinasa ang ‘symbolic vaccination’ para maipa­kita sa publiko na ligtas ang bakuna buhat sa China at mapataas ang kumpiyansa dito ng publiko. -  Ludy Bermudo

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with