^

Police Metro

2.5K kaso ng COVID-19 kada araw papalo ngayong Marso

Danilo Garcia - Pang-masa
2.5K kaso ng COVID-19 kada araw papalo ngayong Marso
Maaaring dulot pa rin umano ito ng mga nagdaang selebrasyon tulad ng Valentine’s Day na marami ang lumabas at namasyal at maging ang Chinese New Year, pero ang pangunahing maaaring dahilan ang pagkukumpiyansa na ng publiko.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Papalo sa 2,500 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa kung magpapatuloy ang trend ng pagtaas nito na nag-umpisa na nitong mga nagdaang araw.

Ito ang inaasahan ng mga eksperto ng UP-OCTA Research Group dahil nitong nakaraang Sabado, naitala sa 2,921 kadami ang mga bagong kaso ng COVID-19 pero bumaba naman ito sa 2,113 nitong Linggo.

Sa kabila nito, tinawag pa rin ni Prof. Guido David na “concerning” ang mga datos kung hindi ito patuloy na bababa.

“Ito ‘yung levels na nakita natin noong August per day. What that would mean? potentially mao-overwhelm ang health care system so that’s why it’s importante na ma-curb natin agad,” giit ni David.

Maaaring dulot pa rin umano ito ng mga nagdaang selebrasyon tulad ng Valentine’s Day na marami ang lumabas at namasyal at maging ang Chinese New Year, pero ang pangunahing maaaring dahilan ang pagkukumpiyansa na ng publiko.

Sa Metro Manila, na­ngunguna ang Pasay City na may pinakamalaking itinaas ng mga kaso dahilan para isailalim sa ‘localized lockdown’ ang nasa 56 barangay.  Binabantayan rin naman ng OCTA Research ang posibleng pagtaas ng mga kaso sa Manila, Quezon City at Makati.

Pabor rin ang grupo sa pagsasailalim pa rin sa Me­tro Manila at siyam pang lugar sa ‘general community quarantine (GCQ)’ sa Marso bagama’t nakikita na marami nang mamamayan ang malayang nakalalabas ng kanilang bahay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with