_pang-masa
^

Police Metro

‘Full forensic investigation’ ng NBI inilarga

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa misencounter ng PNP-PDEA

MANILA, Philippines —  Nasa 50 na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagmula sa iba’t ibang dibisyon ang nagsasagawa na ng “full forensic investigation” matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang ahensiya lang ang dapat mag-imbestiga sa naganap na misencounter sa pagitan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enfocement Agency (PDEA) noong Pebrero 24, sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Investigation at spokesperson Ferdinand Lavin, na agad nagsagawa ng case conference ang NBI sa pangunguna ni Acting Director Eric Distor kamakalawa ng gabi.

Binalikan na ng NBI Forensic Division ang crime scene para matukoy ang trajectory ng mga bala na tumama sa mga sasakyan, signages at iba pa at nasa NBI headquarters na rin ang iba pang ebidensiya tulad ng dalawang sasakyan na tadtad ng bala.

Nakakalap na rin ang NBI ng salaysay ng mga saksi at hinihintay pa nila ang mga karagdagang ebidensiya na itu-turn over mula sa isinagawang imbestigasyon ng PDEA at Philippine National Police (PNP) maging ang kopya ng CCTV footages. Isasailalim din nila sa autopsy ang mga labi ng mga nasawi sa misencounter habang isasalang din sa lie detector test ang mga sangkot na operatiba ng PDEA at QCPD at magsasagawa ng ballistic examination.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with