^

Police Metro

Metro Manila, 9 pang lugar GCQ pa rin sa Marso

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipaiiral pa rin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at sa 9 pang lugar sa bansa sa buong buwan ng Marso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa National Capital Region, ipatutupad ang GCQ sa Apayao, Baguio City, Kalinga, Mt. Province, Batangas, Tac­loban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.

Maliban sa mga na­banggit na lugar, iiral sa buong bansa ang mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ).

Nauna rito, hindi kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na ilagay na sa MGCQ ang buong Pilipinas.

Nanindigan ang Pa­ngulo na kailangang magsimula mula ang pagbabakuna laban sa COVID-19 bago ilagay ang buong bansa sa mas maluwag na MGCQ upang matiyak na mapapabagal ang pagkalat ng impeksiyon.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with