^

Police Metro

Ginang nasita sa face mask, tiklo sa P.2 milyong shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 37-anyos na ginang matapos itong makumpiska­han ng mahigit P.2 mil­yong halaga ng shabu nang sitahin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa lungsod ng Caloocan nitong Sabado ng mada­ling araw.

Kinilala ni Caloocan City Police chief P/ Col. Samuel Mina Jr. ang suspect na si Janice Espiritu ng Hosea Street, Gen. Malvar Bagong Barrio, Brgy., 143 ng nasabing lungsod.

Bandang alas-3:20 ng madaling araw, ayon kay Mina nang magsagawa ng Oplan Galugad ang mga operatiba ng Bagong Barrio Sub Station ng Caloocan City Police katuwang ang 2nd Mobile Force Company-Regional Mobile Force Battalion (MFC-RMFB) sa kahabaan ng Magaling Street, Brgy. 145 nang dumaan ang ginang nang walang suot na face mask.

Nang sitahin, agad na nagtatakbo ang babae na tinangkang tumakas su­balit nagawa siyang makorner ng humabol na mga pulis.

Sinasabing ang suspek ay isang notoryus na tulak ng droga sa kanilang barangay.

Nang inspeksyunin ang dalang sling bag ng suspect ay nakuha mula rito ang isang medicine kit at anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with