^
Arawang COVID-19 case sa Metro Manila tumataas
Sa ulat ng independent research group nitong Huwebes, sinabi nila na patuloy ang pagtaas ng antas ng pagkahawa sa Metro Manila na uma­bot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.
The STAR/Edd Gumban, file

Arawang COVID-19 case sa Metro Manila tumataas

Angie dela Cruz (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

Localized lockdown inihirit ng OCTA…

MANILA, Philippines — Inihirit ng OCTA Research ang pagpapatupad ng localized lockdown para makatulong sa pagpigil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa ulat ng independent research group nitong Huwebes, sinabi nila na patuloy ang pagtaas ng antas ng pagkahawa sa Metro Manila na uma­bot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.

Inihalimbawa nito ang Pasay City na ngayon ay nasa 56 barangay at lugar na ang isinailalim sa localized lockdown matapos makitaan din ng 160% surge sa mga bagong kaso ng virus mula Pebrero 16 hanggang 21.

Base rin sa pag-aaral ng OCTA na nakapagtala rin ng 40% pagtaas sa kaso ng COVID sa Malabon, Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Marikina kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa buong bansa naman, nakitaan ang Cebu City ng pinakamataas na bagong mga kaso ng COVID-19 na umaabot sa 220 kada-araw sa nakalipas na pitong araw, Pebrero 16-22.

Nasa 16 porsyentong positivity rate at 21 kada 100,000 arawang attack rate ang naitala.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with