^
Duterte sasalubungin ang pagdating ng Sinovac
Aabot sa 100,000 doses ang ilalaan para sa sundalo at sibilyan na empleyado ng Department of National Defense.
AFP/Noel Celis

Duterte sasalubungin ang pagdating ng Sinovac

Gemma Garcia (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen.Bong Go ang personal na sasalubong sa 600,000 doses ng Covid-19 vaccine na gawa ng Sinovac ng China.

Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, ito ang unang batch ng mga donasyon ng China sa Pilipinas.

Aabot sa 100,000 doses ang ilalaan para sa sundalo at sibilyan na empleyado ng Department of National Defense.

“Darating na sa February 28. I think 5:00 p.m. po ay tatanggapin ni Pangulong Duterte,” pahayag ng Senador.

Ayon kay Go, ang Ve­terans Memorial Medical Center ang mangunguna sa pagbabakuna.

“I think sila po ang mamumuno sa ituturok po sa sundalo o civilian employees ng DND,” pahayag ni Go.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with